Ano
ang pagkakaibigan?
Pagkakaibigan ay binubuo ng dalawang tao
o higit pa na pinaniniwalaan at ginagabayan ang isa’t isa. Sila ay tumutulong
at pinapasalamatan ang pagkakaroon ng kaibigan. Hindi sila mapakali kapag ang
isa sa kanila ay hindi mahagilap ng kanilang mata. Ang isa’t isa ay sandalan
kapag isa sa kanila ay may mabigat na problema.
Marami na akong karanasan sa pagkakaroon
ng kaibigan. Pero halos lahat ay katulad lamang ang hinahatngan na mag-aaway
kami at hindi na magkakabati. Sa lahat ng mga sawi kong pagkakaibigan ang
pinakamatagal na kaibigan ko ay si Althea. Tumagal kami ng higit dalawang taon
bilang kaibigan. Baitang tatlo pa kami noon na naging kaibigan kami. Nagkakasundo
kami sa lahat ng bagay at katulad rin kami ng nagugustuhan. Kung ano ang
kakainin ko iyon rin ang kakainin niya. Para kaming magkapatid, mahalaga ang
isa’t isa sa amin. Parati kaming magkasama na halos magkapalit na kami ng
mukha. Dahil sa kanya araw-araw akong masaya at may ganang pumunta sa paaralan.
Pero noong naging baitang lima kami,
nagkaroon siya ng ibang kaibigan bukod sa akin. Na empluwensyahan siya sa mga
ginagawa ng kanyang mga kaibigan. Na naging resulta nang hindi
pagkakaintindihan at iba’t iba kami ng pananaw sa buhay. Masyado na siyang
matandang mag-isip at ako naman ay laro lamang ang iniisip. Hanggang sa
tumuntong na kami sa baitang anim. Tinigilan na namin ang aming pagkakaibigan
dahil ito ang tama at wala ng rason para ipagpatuloy pa ang pagkakaibigan na
wala namang magkaibigan. Nagpapansinan parin kami pero hindi na tulad ng dati. Para
nalang kaming isang magkaklase at hindi na hihigit pa.
Pero kahit ganun ang naging karanasan ko
patuloy parin ako sa pagtitiwala at paghahanap ng kaibigan. Minsan ko na rin
naranasang mag-isa. Kaya ayokong maging mag-isa na naman ako ngayong high school
dahil napakalungkot na wala kang kaibigan na mapagsasabihan ng sikreto at
kasabay mong kumain. Naging kaibigan ko sina Randy, Lady, Kint, Nianee at Jasmine. Dahil sa kanila
hindi ko naranasan ang maging malungkot na naman. Parati nila akong pinapasaya
at tinutulungan kapag may problema ako. Salamat sa kanila at hindi na ako
mag-isa sa lahat ng masasayang nangyari sa buhay ko. Pahalagahan natin an
gating kaibigan dahil sila ay nag-iisa lamang at hindi mo na makikita ang isang
katulad nila sa iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento